Assignment to sa amin ng Economics teacher namin kahapon.
Wala namang maling opinion unang una sa lahat. Pero kung KUNWARI ako ang nasa kalagayn na ganun, ang sagot ko ay hindi.
Bakit? Baliktarin natin ang sitwasyon. Ikaw ang magulang na may sakit at ang anak mo ay nagkakandarapa makahanap ng pera para maipagamot ka. Papayag ka bang ibenta niya ang katawan niya para lang makita ka niyang masigla?
Oo naiintindihan kong may ilang sumagot ng oo. Hindi ako kumokontra sa inyo dahil yan din naman ang una kong desisyon. Ang akin lang, kung alam lang ng mga magulang mo ang desisyon na tatahakin mo, sa tingin mo saan ka nila dadalhin?
Inalagaan ka ng nanay mo sa sinapupunan palang niya hanggang ngayon. sa tingin mo ba papayag siyang i give up mo ang dignidad mo para sa kanya kung alam mo mismo na ikaw ang buhay niya?
Sa tingin mo ba magiging masaya siya sa paggising niya kapag nalaman niyang sinira mo ang sarili mo para lang makita siyang buo?
Hindi ka bibigyan ng Diyos ng problemang hindi mo kaya gawan ng solusyon tandaan mo yan. Kung gusto mo, marami kang mahahanap na ibang paraan.
Hindi sa sinasabi kong wala siyang karapatan ha.
Nagpaprint kasi ako. Wala na kasing ink printer namin. nakakatamad naman bumili at masyadong mahal.
Nabibwisit lang ako. Mukhang bago siya. 28 blogs palang ang finafollow niya. Hindi pa niya alam na karamihan sa atin eh ayaw ipagkalat ang tumblr.

Ang sarap niyang murahin pramis. “Putang-ina mo kuya sige ipangalandakan mo ang tumblr ha bwisit ka!”
Congratulations! Yan ang totoo.
As to what I have said in my previous post, ito, ang blog ko ang isa sa mga natatanging singawan ng buhay ko. Dito lumalabas ang totoo kong ugali. Kung sino ako. Kung gaano ako kasama at kung minsan ay kung gaano kalambot ang puso ko.
Oo nagmumura ako and I was born that way.

Sorry ha. Nakaka-ilang na kasi tignan. Nagmistulang google.com yung profile mo. Kung anu-anong advertisement ang meron. Example nalang yung “Ayos Dito” jusko naman. Maawa ka sa blog mo nagmistulang bulletin board na. Famous ka pa man din.
Parang club kasi yun na concerned for the school paper. Required magsubmit ng article per week yata.
Inimbitahan ako ng kaklase ko sumali. Hindi naman sa ayaw ko pero ANUBAA?! hindi ako magaling sumulat ng mala-nobelang mga article sa English. I have actually a poor vocabulary. Buti sana kung Tagalog yan baka editor-in-chief na ako noh. Kaya lang hindi eh.
Sayang naman kasi kung tatanggihan ko. Matututo naman daw ako eh. Kaya lang sa dinami-dami ng mga ginagawa ko ngayong Senior year in high school, kakayanin ko pa kaya yang Synapse na yan?
Ay ewan bwiset. Ang hirap ng senior high school life sobra. Wala pa kaming dalawang linggo ha tapos ngayon kung sa magpahirap ay grabe. Kung nung 3rd year eh nahihirapan na ako; sa sa totoo eh pitik palang yon. ngayon as in sampal na sampal na! :|
Kaya lang ang dami naming assignments putang-ina bwiset!
May mga tulang pinapagawa pa yung teacher namin sa Economics for the Independence Day. Lol kuya pakyu.

ANDAMING GAGAWIN FAAAK! :[
Parang awa niyo na support naman. Magti-TA ako sa iba to submit my application form to be a part of my family. Forever Alone kasi ako eh.
Parang awa niyo na kailangan ko ang support niyo. Isa palang sister ko at kaylangan ko pa ng mother father brothers at sisters haha. :|

Please tell me this is reality :’)
ay ganon? sabi ko lang walang naga-anon sakin then nag TA ka ng anon.
haha. salamat :P
Dear Followers,
Thank you so much dahil sa pagkaka-mali niyong i-click ang follow button dito sa blog ko. Salamat kasi hindi man ako yung taong sobrang gwapo or yung taong sobrang galing gumawa ng typos at may mga tutorials pa sa blog niya eh nagawa niyo parin akong i-follow. Gusto kong malaman niyo na kayo ang nagpapasaya sa akin sa bawat araw.
Wala akong maipagmamalaki sa inyo kasi hindi naman ako famous at hinding hindi ko kayo magmamataasan dahil hindi ko ugali yon. Sorry kung minsan puro mura ang mababasa niyo dito sa blog ko kasi hindi ko naman ugaling maglabas ng emosyon ko personally eh. Dito lang talaga.
Salamat. Salamat. Salamat. lalo na sa mga nag-follow sakin nung unang araw ko palang dito. Alam kong ubos na ang pasensiya niyo dahil sa kakapalit ko ng URL. Haha.
Mukha man akong masama, ang totoo hindi, kung gusto niyo ng kaibigan at kausap, andito ako. Hindi ako nangangagat. Ano ka?! Food?!
Nagmamahal,
sporadikris.tumblr.com :)

Napaka laki naman kasi ng improvement eh. Kita niyo naman. Kahit marami sa atin eh hindi nagustuhan ang “improvement” na nangyari, at least masasabi natin na may bago.
Kung walang improvement at panay maintenance, dun kayo magalit. Napaka bilis nga lang ng maintenance diba? Hindi nga ata lalagpas ng 3 minutes. Napakabilis kumapara dati.
Look at the positive side guys :)